Ang tema ng Buwan ng Wika ngayong 2019 ay Wikang Katutubo: Tungo sa Isang Bansang Filipino. Nailaan ang Buwan ng Wika sa Agosto bilang pagpapaunlad, pagpapahalaga, at pagpapayaman para sa mga katutubong wika sa bansa. Ang tema ay nakasentro sa wikang katutubo. Wikang katutubo na dapat aya ting pangalagaan. May walong katutubong wika dito sa Pilipinas, ito ay ang: Tagalog, Iloko, Cebuano, Hiligaynon, Waray, Kapampangan, Bikol, at Pangasinan.
Ang layunin ng pagdiriwang sa Buwan ng Wika ay upang madagdagan ang kamalayan ng mga Pilipino ukol sa kanilang wika. Ito rin ay upang mahikayat ang mga mamamayang Pilipino na sumali sa mga aktibidad na may kinalaman sa ating wika. At higit sa lahat ay upang maipakita nila sa mga mamamayang Pilipino kung gaano kahalaga ang ating katutubong wika.
Sa panahon ngayon, ilan sa mga kabataan ang hindi na gumagamit ng kanilang katutubong wika. Mas pinipili na nilang gamitin at pag-aralan ang mga ibang wika. Kaya mahalaga ang pagdiriwang natin ng Buwan ng Wika para ipaalala sa kanila na dapat nating pahalagahan at gamitin ang ating wika.
Source: http://metronewscentral.net/events/metro-cities/kwf-to-launch-buwan-ng-wikang-pambansa
nc
ReplyDelete